Akusasyon ng pangingialam ni SAP Bong Go sa Frigate Deal, napatunayan umanong walang katotohanan sa ikinasang pagdinig sa Senado

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na sa harap ng Senate probe ay muling nilinis ni dating Flag Officer in Charge Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang pangalan ni Go na kailanman aniya’y hindi nakipag-usap sa kanya patungkol sa nasabing procurement deal.

Malinaw ayon sa Palasyo na napatunayan sa isinagawang pagdinig sa Frigate Deal controversy sa Senado na walang panghihimasok na ginawa si Secretary Bong Go.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na sa harap ng Senate probe ay muling nilinis ni dating Flag Officer in Charge Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang pangalan ni Go na kailanman aniya’y hindi nakipag-usap sa kanya patungkol sa nasabing procurement deal.

Kaya ang tanong ani Roque, saan nakuha ng Inquirer at Rappler ang impormasyon hinggil sa umano’y pangingialam ni Go sa multi-bilyong pisong kontrata na klaro din aniyang fake news.
Maging si Senador Antonio Trillanes sabi ng Palace Spokesman ay wala ring nailabas na ebidensiya na magdidiin kay Go.

Mensahe ni Roque sa mambabatas, huwag gamitin ang opisina ng gobyerno para lang magpakalat ng mali-maling impormasyon.

Tinumbok din ni Roque ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y mga gahaman sa kapangyarihan na sinabi ni Go sa pagdinig na hindi makahintay sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte. | via Alvin Baltazar