Aktibong pulis, iniimbestigahan ng PNP sa pananambang kay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot

Iniimbestigahan ng Philippine National Police ang posibleng pagkakasangkot ng isang aktibong pulis sa pananambang kay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot noong Linggo.
 
Sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na mismong si Mayor Loot ang nagturo sa pinaghihinalaan niyang nasa likod ng pamamaril sa kanya at kanyang pamilya.
 
Base umano sa kwento ni Loot, narinig pa niyang nagsasalita ng Tagalog ang mga bumaril sa kanila.
 
Pero ayon kay Albayalde, hindi pa nagbibigay ng pormal na statement si Loot kaugnay ng insidente.
 
Samantala, bagama’t nangyari bago maghalalan ang pananambang, hindi pa itinuturing ng PNP na election-related ang insidente.
 
Ayon kay Albayalde tatlong anggulo ang tinitingnan ng PNP na motibo sa krimen sa ngayon: politika, personal na galit, at ang pagkakasama ni Loot sa narco list ng Pangulo. | via Leo Sarne