Air crash investigators ng Philippine Air Force, iniimbesitgahan ang pag-emergency landing ng isang military chopper sa Zamboanga

Nagpadala na ng air-crash investigators ang Philippine Air Force (PAF) para alamin ang naging sanhi ng pagsasagawa ng emergency landing ng isang military helicopter sa Zamboanga kahapon.

Ayon kay PAF Public Information Office Director Major Aristides Galang, ang UH-1H Nr 504 ay lumipad ng alas-3:30 ng hapon kahapon mula sa Edwin Andrews Airbase para sa isang routine training flight.

Nagkaroon aniya ng in-flight emergency kaya napilitang magsagawa ng precautionary landing ang piloto sa Ayala area sa Zamboanga City.

Ayon kay Maj. Galang, walang nasaktan sa mga pasahero pero nagtamo ng damages ang helicopter.

Sa report ng Zamboanga Police office, alas-5 ng hapon kahapon nang mag-emergency landing ang naturang chopper sa Bernardo Farm zone 8 ng Brgy. Ayala. Naroon pa rin ito hanggang sa ngayon. | ulat ni Leo Sarne