Agrikultura, lumago sa 4th quarter ng 2018 – DA

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) ang paglago ng 1.80 percent sa sektor ng agrikultuta sa huling quarter ng 2018.

Base sa datos na ipinalabas ng DA, pangunahing nakapag-ambag sa paglago sa 4th quarter ng 2018 ay ang industriya ng livestock, poultry at fisheries. Ito ay katumbas ng Php 521.2M na gross value ng agricultural production.

Mataas ito ng 4.05 percent kung ihahambing sa kaparehong panahon noong  taong 2017. Lumago ng 1.64 percent ang livestock industry habang lumawak naman ng 6.99 percent ang poultry industry.

Pumalo naman ang produksyon ng 0.56 percent mula Enero hanggang Disyembre ng 2018. Bahagyang tumaas din ng 0.25 percent ang crops production o inaaning pananim.

Ito ay kumakatawan sa 50.40 percent ng kabuuang agricultural output.

Bumaba naman ng 2.20 percent ang palay production, habang lumago ng 10.82 percent ang inaning mais. Tumaas din ang produksyon ng niyog, saging, kape, mangga, tabako at abaka. | ulat ni Rey Ferrer