Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposition, pormal nang binuksan sa Butuan

Pormal na binuksan kaninang umaga ang Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposition (ASPIRE) 2018 sa Robinsons Place Butuan.

Ang ASPIRE ay isang agribusiness at marketing program, na layong ma- integrate ang market development support services para sa mga magsasaka, mangingisda, micro and small medium enterprises (MSMEs) at ibang stakeholders.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) CARAGA, may 75 exhibitors at siyam na mga emerging product mula sa iba’t ibang dako ng CARAGA Region ang nag-display ng kanilang mga produkto.

Maliban sa Agri Trade Fair and Exhibit, may mga gaganapin ding forum, skills competition, campaign on health and wellness, dancing at singing competition.

Ang tatlong araw na ASPIRE 2018 ay may temang “Inspiring CARAGA’s Agripreneurs Through Bountiful Harvest and Multiple Food Choices.” | ulat ni Himaya Juni – Radyo Pilipinas Butuan