Agno, Pangasinan, dalawang beses na niyanig ng lindol kaninang madaling araw

Alas-4:23 kaninang madaling araw nang unang yanigin ng magnitude 4.3 ang bayan ng Agno sa Pangasinan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sa bahagi ng karagatan ang sentro ng pagyanig na may layong 101 kilometro sa Timog Kanluran ng Agno.

May lalim na 26 kilometers ang pinagmulan ng pagyanig at tectonic ang origin.

Muling naulit ang pagyanig bandang 4:56 AM kung saan naitala ang magnitude 4 earthquake.

Bukod dito may mga mahihinang pagyanig pa ang naitala ng PHIVOLCS sa nasabing lugar kaninang 5:15 AM at 5:24 AM.

Sabi pa ng PHIVOLCS ang magkasunod na pagyanig ay hindi naman naramdaman sa kalupaan at walang idinulot na pinsala.