Aftershocks, naitala ng Phivolcs kasunod ng magnitude 6.7 na lindol kaninang madaling araw

Patuloy na nakararanas ng mga pagyanig ang Calatagan Batangas at karatig lugar matapos ang Magnitude 6.7 na lindol kaninang madaling araw. 

Sa record ng Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, umabot na sa 18 na mga aftershocks ang naitatala hanggang kaninang alas 7:30 ng umaga. 

Pinakamalakas dito ay ang magnitude 5.5 na naranasan, ilang minuto matapos ang na unang pag-uga na magnitude 6.7. 

Gamit ang Philippine Seismic Network, naitala ang maraming aftershocks sa karagatan ng Calatagan Batangas. 

Una nang pinawi ng Phivolcs ang anumang banta ng tsunami sa kabila ng ang episentro ng lindol ay nanggaling sa 166 km na lalim ng tubig.