AFP, walang rekomendasyon sa Pangulo na i-extend ang Martial law sa Mindanao

Walang rekomendasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Pangulo na i-extend ang Martial Law sa Mindanao.

Ito ang nilinaw ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, kasabay ng pagsabi na tuloy-tuloy lang ang kanilang pag-rebyu sa umiiral na sitwasyon sa Mindanao.

Simula day one ng pagpapatupad ng Martial Law ay regular na ina-assess ng kanilang field units ang security situation sa lugar.

Sa ngayon, ay walang timeline ang militar sa pagsusumite ng rekomendasyon sa Pangulo ukol sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao, na epektibo hanggang katapusan nalang ng Disyembre ng taong ito.

Wala din namang pangangailangan na magbigay ng pahayag ukol dito.

Noong Miyerkules ay ginunita ang unang anibersaryo ng “Liberation of Marawi” mula sa kamay ng mga terorista.

Ang limang buwang pagsakop ng Maute-ISIS terrorists sa siyudad ang naging dahilan ng pagdedeklara ng Martial law sa Mindanao. | ulat ni Leo Sarne