AFP, umaasa na tutularan ng ibang LGUs ang pagdeklara sa NPA na “persona non grata”

Umaasa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal na idedeklara din ng ibang mga local government units (LGU’s) na “persona non grata” ang NPA.

Ito’y matapos na ideklara bilang “persona non grata” ng pamahalaang bayan ng Sibagat, Agusan del Sur ang mga teroristang komunista sa isang resolusyon.

Kasabay nito, pinapurihan ni Madrigal ang hakbang ng mga pinuno ng Sibagat, na aniya’y pagpapakita ng matapang na paninidigan ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan mismo ni Sibagat Mayor Ma. Liza Evangelista ang paglalagda sa naipasa nilang resolusyon na nagbabawal sa mga rebelde na makapasok sa kanilang bayan

Mariing kinondena ng Alkalde ang ginawang pag-atake ng mga rebelde sa patrol base ng CAFGU o Citizen’s Armed Forces Geographical Unit sa New Tubigon noong Disyembre 21, kung saan, dalawang sundalo at 12 CAFGU ang dinukot. | ulat ni Leo Sarne