AFP, umaasa na pagbibigyan ng local terrorists ang panawagang ceasefire ng Pangulo 

Umaasa ang Armed Forces of the Philippines na pagbibigyan ng mga local terrorist groups sa bansa ang panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ceasefire muna dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo ang panawagan ng Pangulo ay patunay na kapakanan ng lahat ng mga Pilipino ang kanyang prayoridad sa mga ganitong sitwasyon sa bansa.

Sinabi ni Arevalo na sa panig ng militar ay gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya nang may commitment at dedikasyon para makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng COVID 19.

Giit ni Arevalo ang pakikiisa ng lahat ng Pilipino ay kailangan sa mga panahong ito.