AFP, tumanggap ng ₱68-M halaga ng donasyon ng Australia para sa anti-COVID response

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana sa pamahalaan ng Australia para sa kanilang donasyong medical supplies and equipment na nagkakahalaga ng ₱68-milyong piso.

Ang donasyon, ay pormal na tinanggap kahapon ni General Sobejana, kasama si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Camp Aguinaldo mula kay His Excellency Steven Robinson AO, ang Australian Ambassador to the Philippines at Colonel Paul Joseph Barta, ang Defense Attaché ng Australian Embassy Manila.

Ayon kay General Sobejana, ang donasyon ay gagamitin ng AFP Health Service Command (AFPHSC) para mapalakas ang anti-COVID response ng AFP.

Una na ring nag-donate ang Australia ng hospital at personal protective equipment noong June 11, 2020 sa Victoriano Luna Medical Center.

Sinabi ni Sobejana na ang Australia ay isang tunay na maaasahang partner sa gitna ng pandemya, at patuloy na makikipagtulungan ang Pilipipinas upang mas lalong mapayabong ang magandang samahan ng dalawang bansa.

(Photos by SN1 Viluan PN/PAOAFP)