AFP, tiniyak na hindi makakapagtatag ng ISIS State sa Mindanao

Tiniyak ni 6th Infantry Division Commander MGen. Cirilito Sobejana na hindi makakapagtatag ng ISIS caliphate sa Mindanao ang mga banyagang terorista.

Ito ay sa gitna ng mga ulat na nagsisialisan ang mga banyagang terorista mula sa Syria at Iraq patungong Mindanao, para umano gawing sentro ito ng kanilang aktibidad sa Southeast Asia.

Ayon kay Sobejana, aktibong nangangalap ng impormasyon ang militar sa mga pagkilos ng iba’t-ibang local terrorist groups na kaalyado ng ISIS.

Pinaigting narin ng Philippine Navy ang pagbabantay sa coastal borders para hindi makalusot sa “back door” ang mga foreign terrorist.

Dagdag nito, na kung sakali man na makapasok sa Mindanao ang mga dayuhang terorista ay nakahanda naman ang militar, pagkatapos ng nangyari sa Marawi.

Sa ngayon, ay anim na foreign terrorists na halos lahat ay Indonesians ang kanilang binabantayan sa Central Mindanao. | ulat ni Leo Sarne