AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, promoted bilang one-star general

Magiging one-star general na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Edgard Arevalo matapos na aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang promosyon ng 11 mga matataas na opisyal ng AFP.

Sa ipinadalang liham ng Office of the President sa tanggapan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, limang heneral ang ginawaran ng karagdagang estrella, habang anim na senior officials ang ginawang heneral.

Bukod kay Arevalo, ang mga inirekomenda na maging bagong heneral ay sina Col. William Gonzalez, Col. Adrian Sanchez Jr, Col. Cresenciano Marquez, Col. Fabian Pedregosa at Col. Edward Libago.

Ang mga heneral naman na itinaas ng ranggo sa major general ay sina 6th Infantry Batallion at pinuno rin ng Task Force Sulu na si Brig/Gen. Cirilito Sobejana; B/Gen. Roy Devesa, B/Gen. Erickson Gloria, B/Gen. Felipe Bejar at B/Gen. Pio Deñoso.

Ang rekomendasyon sa promosyon ng mga naturang opisyal ay isusumite sa Commission on Appointments para sa kumpirmasyon.  | ulat ni Leo Sarne