AFP, PNP, OPAPP, pinapurihan ng Pangulo 

Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) para sa walang humpay na efforts at dedikasyon ng mga ito upang makamptan ang pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.

Sa talumpati ng Pangulo sa decommission ceremony ng nasa higit 700 mga rebolusyunaryong nagbalik loob sa pamahalaan, sinabi ng Pangulo na ang seremonyang ito ay hudyat lamang sa pagtataguyod ng mapayapa at maunlad na nasyon.

Pinasalamatan rin ng Pangulo ang lahat ng ahensya na nagsilbing kabalikat ng pamahalaan sa peace building.

Ngayong gabi, pinagkalooban ng pabahay at lupa ang mga nagbalik loob na mga rebolusyunaryong ito kalakip rin ang tulong pinansyal at iba pang-assistance mula sa gobyerno.

Ayon sa Pangulo, gamitin sana ng mga ito ang mga oportunidad na ipinagkaloob ng pamahalaan upang makapagsimula muli tungo sa isang produktibong pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.

Sinabi ng Pangulo na mananatili ang pamahalaan sa kanilang likuran upang umalalay sakanila habang nakikisalamuha silang muli sa lipunan.