AFP, on target sa kampanya kontra NPA — AFP Chief Guerrero

On target ang AFP na mabawasan ng kalahati ang armadong pwersa ng NPA.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero matapos na magsisuko sa pamahalaan ang mahigit 4,000 regular NPA fighters at supporters sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon.

Sa bilang na ito, 626 ang NPA regulars at party members, habang 3,730 ang mga miyembro ng Militia ng Bayan (MB), Underground Mass Organization (UGMO) members at mass supporters.

Ayon kay Guerrero ang tuluy-tuloy na pagsuko ng mga NPA at kanilang mga supporters ay dahil sa walang humpay na focused military operations ng militar na sinusuportahan ng mga local government units.

Base sa pagtaya ng AFP noong nakaraang taon, bago itong mga huling pagsuko ay nasa 3,500 ang kabuuang armadong pwersa ng NPA sa buong bansa kung saan sa Mindanao ang malaking konsentrasyon nito. | via Leo Sarne