AFP, nilinaw na sa live fire exercises lang ng Balikatan 2018 restricted na mag-cover ang media

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila pinagbabawalan ang media na i-cover ang Balikatan 2018.

Sa isang press conference matapos ang pag-arangkada ng ika-34 Balikatan Exercises, sinabi ni Lt. Gen. Emmanuel Salamat, Philippine Exercise Director ng Balikatan 2018 na wala naman silang official pronouncement na banned ang media sa pag-cover ng Balikatan events.

Paliwanag ng opisyal, dahil lang sa safety reasons kaya may “restrictions” ang pag-cover sa mga “risky” events tulad ng live fire exercises.

Ang lahat aniya ng ibang aktibidad na wala sa restricted areas tulad ng amphibious exercises, joint training activities, humanitarian programs, at community support programs ng Balikatan ay bukas sa media.

Magsisimula ang amphibious landing exercise ng dalawang government troops sa Naval Education Training Command sa San Antonio, Zambales sa May 9 habang gagawin naman ang combined arms live fire exercise sa Colonel Ernesto Rabina Air Base o Crow Valley sa Tarlac sa May 15. | via Leo Sarne