AFP, kumpiyansang matatapos ang insurgency bago matapos ang termino ng Pangulo

 

Nagpahayag ng kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Marine Brig. Gen. Edgard Arevalo na matatapos ng AFP ang problema sa insurhensya bago matapos ang termino ng Pangulo.

Ang pahayag ng opisyal ay matapos atasan ng Pangulo ang AFP at Philippine National Police (PNP) na tapusin na “once and for all” ang mga teroristang komunista.

Ayon kaya Arevalo, gagamitin nila ang lahat ng paraan para sugpuin ang CPP-NPA. 

BPatuloy aniya na nalalagasan ng pwersa ang New People’s  Army (NPA) at milisya ng bayan, sa pagsuko, pagkakapatay, at pagkakaaresto.

Tinukoy ni Arevalo ang pinakahuling lider komunista na nahulog sa kamay ng batas na si Esterlita Suaybaguio, miyembro ng Central Committee at secretary ng Metro Manila Regional Party Committee.

Sinabi ni Arevalo na sa ngayon ay may “upper hand” ang militar laban sa NPA, at kailangan na lang mantinihin ang inisyatibo at sustinihin ang mga tagumpay upang tuluyan nang matapos ang NPA.