AFP, kumpiyansa sa kanilang pagpapaliwanag sa martial law extension sa mga mambabatas

Kumpiyansa ang militar sa kanilang inihandang report sa mga mambabatas kaugnay ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, kaugnay ng pagharap ng mga opisyal ng militar at Department of National Defense (DND) sa mga mambabatas ngayong linggong Ito.

Ito ay para ipagtanggol ang kanilang rekomendasyon na palawigin ang batas militar sa Mindanao ng isa pang taon.

Ayon kay Detoyato, ang kanilang presentasyon sa mga mambabatas ay nakasentro sa assessment ng current situation, at feedback mula sa mga tao sa Mindanao na apektado ng umiiral na martial law.

Nasa kongreso na aniya kung aaprubahan nila ang panibagong extension ng martial law.

Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mismong mga stakeholders, tulad ng mga LGUs at mga mamamayan mismo ang may gusto na palawigin ang batas militar dahil sa malaking pagbabago sa peace and order sa lugar mula nang pairailin ang batas militar.  | ulat ni Leo Sarne