AFP Chief, pinangunahan ang paggunita ng unang anibersaryo ng “Liberation of Marawi”

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. ang paggunita ng unang anibersaryo ng “Liberation of Marawi” sa Camp Ranao, Marawi City, Lanao del Sur, kahapon.

Nag-alay ng bulalaklak si Galvez sa Heroes’ Wall, bilang pag-alala sa kabayanihan ng lahat ng sundalo at pulis na nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban sa terorismo.

Matapos ang wreath-laying ceremony, pinagkalooban ni Galvez ng medalya ang 7 opisyal at 10 enlisted personnel ng 103rd Brigade, bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo noong Marawi siege.

Si Galvez ay inasistehan nina Maj. Gen. Roseller Murillo, Commander ng 1st Infantry Division Philippine Army, Brig. Gen. Ramiro Manuel Rey, Commander ng Joint Task Force Ranao at Brig. Gen. Generoso Ponio, Commander ng 103rd Brigade sa pagsabit ng Gold Cross medal, Military Merit medal at Bronze Cross medal sa mga awardees.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Galvez na hindi dapat makalimutan ang nangyari sa Marawi.

Sinabi ni Galvez, na dapat maging inspirasyon ang mga bayani ng Marawi sa pagtamo ng “Total Victory” kontra sa terorismo at magsilbing alaala ang kanilang sakripisyo sa tunay na halaga ng ating kalayaan. | ulat ni Leo Sarne