AFP at PNP Davao, sinigurong non-partisan sa eleksiyon

Siniguro ngayon ng 10th ID Philippine Army at Police Regional Office (PRO) 11  na mananatili silang non-partisan sa darating na 2019 midterm elections.

Ayon kay Police Senior Supt. Marcelo Morales, director ng PRO-11, mahigpit nilang minomonitor ang kanilang mga miyembro at mahigpit rin na pinaaalalahan na gawin lamang ang kanilang trabaho bilang alagad ng batas.

Pinaalalahanan din ni Major General Noel Clement, commander ng 10th ID, kahit pa man may sinusuportahan sila na mga politiko, mas mabuting ipahayag na lamang nila ito sa panahon ng kanilang pagboto at hindi sa pangangampanya. | ulat ni Sheila Lisondra-DXRP Radyo Pilipinas Davao