Adverse event ng ilang bakunang ginagamit ng pamahalaan, inisa isa ng eksperto

Inisa- isa ni vaccine expert Dra. Lulu Bravo ang mga adverse events ng iba’t ibang mga vaccine brand na ginagamit ngayon ng gobyerno sa vaccination program nito.

Base aniya sa naging pag-aaral nila, lumalabas na pinakamataas ng side effect ng Sinovac ang pagtaas ng blood pressure na kaya namang malapatan ng lunas sa pamamagitan ng pag-inom ng maintenance o ng anti-hypertensive drugs.

Sa AstraZeneca naman ayon kay Bravo ay ang pinakamataas nilang nakitang adverse event ay lagnat, pagchi- chill at pagkatamlay ng katawan.

Fever at chills din ani Bravo ang epekto ng Pfizer habang sa produkto naman ng Gamaleya ay patuloy pa ang pagsilip nila sa adverse event nito.

Pagbibigay diin ni Bravo, ipinagpauna na nila na may ganitong mararamdaman talaga ang mga nabakunahan bilang side effects pero ito’y normal lamang at hindi dapat na ikabahala.