Ad interim appointment nina AFP Chief of staff Gen. Clement, Vice Admiral Cusi, aprubado na ng CA

Lusot na sa Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si General Noel Clement at bilang Vice Admiral si PMA Superintendent Alan Cusi.

Naging unanimous ang pagboto ng mga miyembro ng CA pabor sa appointment nina Clement at Cusi.

Naitalaga si Clement bilang chief of staff ng AFP nitong setyembre 2019, kapalit ng nagretirong si General Benjamin Madrigal Jr.

Bago maitalaga bilang pinuno ng buong sandatahang lakas, nagsilbi itong commander ng Cebu-based AFP central command.

Miyembro si General clement ng PMA¬† ‘Sandiwa’ class of 1985 at nakatakdang magretiro sa January 5, 2020.

Samantala, si Vice Admiral cusi naman ang kasalukuyang Superintendent ng Philippine Military Academy (PMA).

Itinalaga ito matapos ang kaso ng pagkamatay ni Cadet First Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Miyembro si Cusi ng PMA ‘Sinagtala’ class of 1986.