Active cases ng COVID-19 sa Malabon, mas mababa na sa 1%

Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malabon ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Lumalabas kasi sa tala ng Malabon City Health Department na bumaba na sa 44 natitirang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod o .78 ng kabuuang bilang ng COVID-19 confirmed cases matapos makapagtala ng tatlong panibagong kaso at dalawang gumaling kahapon.

Sa kabuuan ay nasa 5,655 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID sa lungsod, 5,398 naman ang gumaling na habang nananatilign 213 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na agad na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay health center kapag nakararamdam ng sintomas ng virus upang maisailalim sa libreng swab test at ma-isolate at mabigyan ng atensyong medikal sa oras na magpositibo ang mga ito.