Abu Sayyaf sniper sumuko sa 74th Infantry Battalion sa Basilan

Sa huling bilang, umaabot na sa 178 ang Abu Sayyaf na sumuko sa Zamboanga, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi simula noong nakaraang taon.

Sumuko sa mga tropa ng 74th Infantry Battalion ang isang Abu Sayyaf sniper sa Brgy. Macalang, Al-Barka, Basilan nitong nakaraang linggo.

Kinilala ni Commanding Officer of 74th Infantry Battalion Lt. Colonel Jonas B. Templo, ang sumukong Abu Sayyaf member na si Ligod A. Tanjal at Coy-coy.

Si Tanjal ay tauhan ni Abu Sayyaf Group Leader Nurhassan Jamir at Abu Bekat na kilalang expertong sniper. Kasamang isinuko ni Tanjal ang kanyang M16 rifle at Sniper Scope.

Ayon kay Lt. Col. Templo, inaasahan nila na mas marami pang Abu Sayyaf ang magbabalik loob sa mga susunod na araw sa patuloy na pagsuko ng mga miyembro ng teroristang grupo.

Sa huling bilang, umaabot na sa 178 ang Abu Sayyaf na sumuko sa Zamboanga, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi simula noong nakaraang taon. | via Leo Sarne