Abra de Ilog, sa Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

Ramdam sa maraming lugar sa Metro Manila at iba pang lalawigan ang lindol na yumanig sa Abra de Ilog sa Occidental Mindoro kaninang pasado alas-9 ng umaga.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang magnitude 5.8 earthquake nang gumalaw ang Manila trench sa bahagi ng lalawigan.

Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometro ng hilagang kanluran ng Abra de Ilog na may lalim na 110 kilometro.

Sa tala ng PHIVOLCS, naramdaman ang intensity 5 sa Lubang, Occidental Mindoro; Calamba City; at Calatagan at Calaca sa Batangas.

Intensity 4 naman ang naramdaman sa Malvar at Lemery sa Batangas; Calapan City, Oriental Mindoro; Mendez, Cavite; Limay, Bataan; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Tagaytay City, at Manila City.

Samantala intensity 3 ang naramdaman sa Agoncillo, Cuenca, Lipa City at Talisay, Batangas; General Trias City, Dasmarinas, Carmona sa Cavite; Calamba, Laguna; Makati City; Muntinlupa City; Mandaluyong City; Pasay City;
Pasig City; Quezon City, at San Pedro, Laguna.

Ramdam din ang intensity 2 sa Caloocan City, at Marikina City; Olongapo City; Zambales; Cavite City; Sta Cruz, Laguna; Taysan, Batangas; Batangas City; Lucena City; Binangonan, Rizal; Dolores at Mulanay, Quezon; Marilao, Plaridel sa Bulacan, Las Pinas City; Malabon City; Mandaluyong City; Marikina City; Pasig City; at Gumaca Quezon.

Naramdaman din ang Intensity 1 sa San Mateo Rizal; at San Francisco Quezon; Baler, Aurora; San Jose City, Nueva Ecija; Guaga, Pampanga; at Infanta, Lopez, Lucban at Polilio sa Quezon.