A1 hanggang A3 priority group na mabakunahan ng pamahalaan, kaya tapusin ng Hunyo

Ginarantiya ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na kayang kaya nang makuha pagdating ng Hunyo ang mga nasa A1, A2, A3 category na prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan.

Paliwanag ni Galvez, ito ay dahil na din sa dami ng dumating at darating pang mga bakuna sa bansa ngayong Mayo at sa susunod na buwan.

Sa buwan ng Mayo ayon sa kalihim ay kabuuang 7 milyon ang darating habang 10 milyon naman ang inaasahan sa Hunyo.

Lalabas ani Galvez na sa kanilang imbentaryo sa katapusan ng susunod na buwan ay mayroon nang bakuna ang bansa na aabot sa 21,829,50 vaccines.

Hamon aniya ngayon sabi ni Galvez na maubos ang kanilang nasa inventory na 5,155,957 as of May 13.