Sen. Go: Handa ang pamahalaan na tugunan ang Polio outbreak sa bansa

Tiniyak ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na handa ang pamahalaan na tugunan ang muling paglaganap ng sakit na Polio sa bansa.

Ayon kay Go, chairperson ng Senate Committee on Health, isa pa rin sa mga prayoridad ng gobyerno ang mahigpit na ipatupad ang National Mandatory Immunization Program.

Kaugnay nito, hinimok ng senador ang publiko na pumunta sa mga health center at kumuha ng libreng bakuna upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na Polio.

Dagdag pa ni Go, magpabakuna hindi lamang para sa sakit na Polio kundi maging para na rin sa iba pang mga sakit.

Pakiusap ng senador, magtiwala sa mga programa ng gobyerno.