95% ng SPMC employees, fully vaccinated na

Nasa 95 percent na ng mga empleyado ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ng Davao City ang fully vaccinated na.

Inihayag ni Dr. Ricardo Audan, SPMC Chief, na inaasahan nitong mabakunahan ang lahat ng mga empleyado ng SPMC bilang nag-iisang COVID hospital sa lungsod, upang masigurong protektado ang mga ito sa epekto ng virus.

Ang SPMC ay tumatanggap ng COVID-19 moderate, critical, at severe cases.

Samantala, nagpapatuloy naman ang pagbabakuna ng SPMC ng second dose para sa mga A1 hanggang A4 priority group, at maging ang magpapabakuna ng first dose na kanilang mga empleyado.