90s boyband na Backtreet Boys, inaming tagahanga ng K-pop sensation na BTS; Iconic character ni Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning, may Instagram account na

Trending ngayon sa social media ang litrato ng dalawa sa mga pinakahinahangaang boy group sa music industry.

Sa isang backstage party para sa 2018 Billboard Music Awards, nagkrus ang landas ng 90’s boy band na Backstreet Boys at K-Pop sensation na BTS.

Sa Instagram post ng Backstreet, inamin ng mga ito na fan sila ng BTS. Sa hiwalay naman na tweet ng Backstreet Boy member na si Nick Carter, tila may pahiwatig ito sa posibilidad ng collaboration sa pagitan ng dalawang boy band.

Samantala, sa mga fans ng pelikulang Bituing Walang Ninging, silipin ang ‘The Real Lavinia Arguelles’ Instagram account.

Ang aktres na si Cherri Gil na gumanap sa iconic character ang nasa likod ng Instagram na @the_real_lavinia_arguelles.

Ang target ni Gil, makahanap ng 100 personalidad na kanyang makakatambal para ulitin ang  iconic scene.

Kabilang sa mga personalidad na kanya ng nabuhusan ng tubig ay sina Paulo Avelino, Bea Alonzo, Ricky Davao, Chef JP Anglo, journalist na si Atom Araullo at cast ng Changing Partners.  | via Kathleen Forbes