896 munisipalidad at halos 8,000 barangay, nasa election watchlist ng PNP

896 na munisipyo at 7,926 barangay ang itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na election hotspots.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang regular Monday press conference.

Ayon sa PNP Chief, karamihan sa mga lugar na ito ay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Region 8, at Region 7.

Habang dito naman sa Metro Manila, siyam na siyudad ang nasa election watchlist ng kapulisan.

Kaugnay nito, una nang inanunsyo ni Albayalde ang paglikha ng PNP ng mga Special Operations Task Group (SOTG) na pamumunuan ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO).

Ang mga SOTG ang tututok sa mga insidente ng karahasan kaugnay ng idaraos na midterm elections. | ulat ni Leo Sarne