8 Farm to Market Road Project sa Cagayan natapos na ayon sa DPWH

Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na ang pag gawa ng walong farm-to-market road o FMR na itinayo sa iba’t ibang munisipalidad sa probinsya ng Cagayan.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, makakatulong ang mga farm-to-market road upang mas mapahusay ang lokal na kalakalan, at access sa mga basic social services. Mapapababa din umano ng mga kalsada ang travel cost at travel time ng limampung porsyento.

Kabilang sa mga munisipalidad na makikinabang sa nasabing farm-to-market road ay ang bayan ng Lallo, Sta. Teresita, Alcala, Gonzaga, at Baggao.

Pinondohan ang mga nasabing programa sa ilalim ng 2018 Convergence Program ng DPWH at Department of Agriculture (DA).