702 mangingisda sa Navotas, nakatanggap ng tig-₱5,000 ayuda

Tumanggap ng ayuda ang nasa 702 rehistradong mangingisda sa Navotas.

Ayon sa lokal na pamahalaan, tumanggap ang mga mangingisdang Navoteño ng tig-₱5,000 cash voucher mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang mga benepisyaryo ng BFAR ay pinili base sa resulta ng crossmatching sa ibang assistance program ng ibang ahensya.

Kabilang sa mga nabigyan rin ng ayuda ang mga benepisyaryong wala pang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaan.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahlaan sa BFAR sa tulong nito sa mga mangingisda ng lungsod.

Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon, namahagi rin ang ahensya at lokal na pamahalaan ng cash voucher at food items sa 1,056 na mangingisda na apektado rin ng pandemya.