700,000 food packs, ipapamahagi ng Caloocan LGU sa mga apektado ng ECQ

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Caloocan na nasa 700,000 food packs ang plano nitong ipamahagi sa bawat pamilya sa lungsod na apektado ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine o ECQ sa National Capital Region.

Ayon sa Caloocan City Mayor Oca Malapitan, hiwalay ang mga food packs sa ipamamahaging ECQ cash aid mula sa pamahalaang nasyunal.

Tiniyak rin ng alkalde na lahat ng pamilya sa Caloocan ay makatatanggap ng food packs.

Nagpasalamat rin si Malapitan sa mga volunteers at mga kawani na patuloy na nagtra-trabaho sa mga repacking sites.

Target ng lokal na pamahalaan na masimulan na ngayong hapon ang pamimigay ng food packs sa ilang mga barangay sa lungsod.