700 kalalakihang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya, maagang pumila sa community pantry ng isang NGO

Napagkalooban ng ibat-ibang uri ng gulay at mga goods ang mga ama ng tahanan na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya 

Maaga pa lamang ay pumila na ang mga ito sa kahabaan ng Commonwealth Avenue corner Calderon St. Brgy Old Balara Quezon City. 

Kabilang ang talong, okra, ampalaya, sili, kamatis, noodles, de lata, tinapay, bigas at itlog sa natanggap ng may 700 na mga kalalakihan.

Ang community pantry ay inorganisa ng Act Female Now Movement katuwang ang mga organized Labor organization sa ilalim ng Union Network International Philippines Liaison Council. 

Katuwang nila ang Buklod ng Manggagawa sa RCPI (BMRCPI-NFL), Globe Telecom Employees Union (GTEU-FFW), Lakas sa Industriya ng Kapatirang Haligi ng Alyansa (LIKHA), Joint federations of Philippine Agricultural,Commercial, Industrial Workers Union (PACIWU), National Congress of Unions in the Sugar Industry of the Philippines (NACUSIP), Congress of Independent Organizations (CIO), National Alliance of Broadcast Unions (NABU), National Union of Bank Employees-Insurance and Finance Organization (NUBE-IFO), Union Impresores de Filipinas (UIF) at Kilusan ng Manggagawang Makabayan (KMM-Katipunan).

Ang community pantry ay kasabay ng paggunita sa pandaigdigang araw ng paggawa. 

Ang mga pinayagan lamang na pumila ay may edad na 20 taong gulang hanggang 55 taon gulang na pawang nawalan ng trabaho sanhi ng pandemya.