70% ng NCR Plus, target na mabakunahan bago ang November 27

Target ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna ang mayorya ng mga taga-NCR Plus sa huling linggo ng Nobyembre.

Sa harap na rin ito ng ninanais ng gobyerno na makamit ang herd immunity sa National Capital Region (NCR) Plus.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa nabanggit na petsa rin ang tina-target ng gobyerno na tapusin ang pagbabakuna sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan.

Sinasabing para maabot ang herd immunity ay kailangang mabakunahan ang 70 porsiyento ng populasyon ng isang lugar na siya ngayong tina-target sa Kalakhang Maynila at kalapit nitong mga lugar.

Sa ngayon ay nasa 3,299,470 ang kabuuan ng doses ang naibakuna as of May 18.