7-storey DOLE XI office, itatayo sa Davao City

Malaking tulong para sa mga mamamayan na may transaksiyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatayo ng bagong opisina sa lungsod ng Davao.

Ito ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isinagawang groundbreaking ceremony ng 7-storey DOLE Region XI office building sa Quimpo Boulevard, Ecoland, Davao City.

Ayon kay Sec. Bello, hindi na mahihirapan ang mga mamamayan na maghanap sa DOLE dahil may sariling opisina na ito na handang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Nagpapasalamat rin si Bello, makakatipid na ang ahensiya dahil hindi na ito magbabayad ng renta buwan-buwan.

Ang nasabing building ay may budget na P39 million na nakatakdang matapos sa loob ng 275 araw.

Donasyon naman mula sa pamilya Huang ang 350sqm na lupa kung saan itatayo ang nasabing gusali. | ulat ni Sheila Lisondra РRadyo Pilipinas Davao