7 nalalabing bihag ng ASG, hindi matiyak ng militar kung buhay pa

Hindi matiyak ng militar kung ilan pa ang buhay sa pitong nalalabing bihag ng Abu Sayyaf Group.

Ito ang sinabi ni Western Mindanao Command Spokesperson Col. Gerry Besana, kasabay ng pagtiyak na ginagawa ng militar ang lahat para mailigtas ang mga ito.

Unang tinarget ng militar na ma-rescue ang lahat ng bihag ng Abu Sayyaf bago matapos ang 2018 pero tila hindi ito mangyayari.

Sa huling impormasyon ng militar, ang pitong nalalabing bihag ay kinabibilangan ng apat na Pilipino, isang Dutch, isang Vietnamese at isang Indonesian.

Ayon kay Besana, batay sa impormasyon ng mga naunang nailigtas na mga bihag, sinasama ng mga Abu Sayyaf sa kanilang pagtakbo ang ilan sa kanilang hostages habang ang iba ay iniiwan sa kanilang mga taga-suporta. | ulat ni Leo Sarne