7 heneral, 7 koronel, binalasa ni Gen. Eleazar

Pitong heneral at apat na koronel ang binalasa ni Philippine National Police Chief PGen. Guillermo Eleazar.

Ito’y kasunod ng rigodon sa Command Group ng PNP sa pag-angat ni PLt. Gen. Joselito Vera Cruz bilang Deputy Chief for Administration; PLt. Gen. Ephraim Dickson bilang Deputy Chief for Operations; at PMgen Dionardo Carlos bilang The Chief, Directorial Staff.

Si dating Special Action Force (SAF) Director PMaj. Gen. Bernabe M. Balba ang itinalagang bagong hepe ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) Visayas, ang binakanteng pwesto ni MGen. Carlos.

Itinalaga naman sa Police Region Office (PRO) 4B si PBGen. Nelson Bondoc mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO); at si PBGen. Eliseo Cruz naman sa PRO4A.

Inilipat naman sa NCRPO sina: PBGen. Jose Hidalgo mula sa DIPO Western Mindanao; at PBGen. Jimili Macaraeg mula sa Directorate for Logistics (DL).

Nilagay naman sa DL
si PBGen. Pascual Munoz na mula sa PRO4B; at si PBGen. Felipe Natividad na pinalitan ni Cruz sa PRO4A ay itinalaga sa SAF.

Samantala, si PCol. Gregory Bognabal na tauhan ni Eleazar sa dati nitong tanggapan sa Deputy Chief for Administration ay absorbed sa Office of the Chief PNP; si PCol.Neri Vincent Ignacio na dating nasa SAF ay itinalaga sa Directorate for Comptrollership; si PCol. Cesar Pasiwen na nasa Police Region Office 1 ay itinalaga sa SAF at si PCol. Randy Peralta na mula sa OCPNP ay ini-assign sa DIPO W. Mindanao.