67% ng ICU beds sa mga ospital sa Metro Manila, okupado na ng COVID patients ayon sa Octa Research Team

67% ng okupado ng mga COVID-19 patients ang intensive care unit o ICU ng mga ospital sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Guido David ng Octa Research Team, kung bababa na ang ICU utilization matapos ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) sa August 20, ay posibleng maging batayan ito kung maaari nang irekomenda ng Department of Health (DOH) na huwag nang palawigin pa ang ECQ sa Metro Manila.

Bahagya na rin aniyang nako-kontrol ang hawaan ng COVID-19 sa NCR, pero dapat munang bantayan kung patuloy na bababa ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus.

Sa ngayon ay bumaba na umano sa 1.74 ang reproduction number sa Metro Manila mula sa 1.80 nitong mga nakalipas na araw.

Kumpiyansa naman si Dr. David na kung mapipigilan ang pagkalat ng COVID ngayong buwan, ay posibleng magluwag na sa bansa sa darating na ber-months, o bago sumapit ang kapaskuhan.