7 patay, 811 arestado sa 505 anti-drug operations ngayong Semana Santa

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) National Operations Center, 7 ang ang patay at 811 ang arrestado sa 505 anti-drug operations ngayong Semana Santa.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa isang press briefing sa Camp Crame ngayong umaga.

Ang report ng PNP Chief ay batay sa datos na nakalap ng PNP National Operations Center mula sa lahat ng Police Regional Offices, mula March 28 hanggang April 1, 2018.

Ang top 3 Police Regional Offices batay sa bilang ng mga arestado ay ang NCRPO; PRO 4A at PRO 7.

Kulelat naman ang PRO Cordillera na walang naisagawang anti-drug operation.

Ang 7 na napatay sa mga operasyon ay naitala sa Region 3 na may 4, PRO 4A, PRO 12, at PRO ARMM na may tig-iisa.

Una ng sinabi ni PNP Chief na bagama’t suspendido ang Oplan Tokhang ngayong Semana Santa, tuloy-tuloy pa rin ang anti-drug operations sa ilalaim ng Oplan Double-Barrel Reloaded. | via Leo Sarne