BuCor Dir. Gen. Bantag nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo na rin sa COVID-19 si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Ito’y matapos magpositibo sa virus noong Sabado si BuCor Public Information Office Chief Gabriel Chaclag, at dalawa pang tauhan ni General Bantag sa kawanihan.

Katulad ni Chaclag, si Director General Bantag ay nasa ilalim na rin ng mandatory quarantine.

Inabisuhan na rin ang mga BuCor personnel na nakasalamuha ni Bantag sa mga nakalipas na araw, na makipagkoordinasyon sa Directorate for Health Services, para sa assessment at swab testing.