56% ng distribution system ng Maynilad, isasailalim sa malawakang pipe replacement project ngayong taon

Pagkakaabalahan rin ngayong taon ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang replacement o pagpapalit sa  daan-daang kilometrong luma at tumatagas na tubo sa mga lugar na siniserbisyuhan nito sa Metro Manila at Cavite Province.

Ayon sa pamunuan ng Maynilad, magkakabit sila ng mga bagong tubo na aabot ng 56% sa kanilang distribution system.

Gagastusan ng P2.1-B ang pipe replacement projects na isasagawa sa iba’t ibang bahagi ng concession area.

Sa ngayon kabilang sa nakumpleto ng proyekto ay sa bahagi ng Quezon City, Malabon, Lungsod ng Maynila at sa Las Piñas City.

Inaasahan na sa pamamagitan ng patuloy na investment ng Maynilad sa kanilang non-revenue water reduction program ay mapapababa ang tinatawag na ‘water losses’ o pagkaaksaya ng water supply ng hanggang dalawampung porsiyento pagsapit ng taong 2027. | via Shane Juan