50th Anniversary ng CPP-NPA, isang malaking “failure” – AFP

Isang malaking “failure” ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kahapon, batay sa assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP Public Affairs office Chief Col. Noel Detoyato, mismong isang dating miyembro ng CPP/NPA/NDF central committee ang nagsalarawan sa selebrasyon ngayong taong ito bilang “downgraded,” kumpara sa mga nakaraang taon.

Sa taong ito, napilitan nalang ang NPA na magsagawa ng mga maliliit na pagtitipon at ni hindi sila nakalikha ng national at international attention sa kanilang ika-50 anibersaryo.

Wala aniyang interes ang sambayanan sa anibersaryo ng NPA, dahil ang opinyon ng publiko ay kontra sa NPA.

Ayon kay Detoyato, pihadong aatakihin sa puso dahil sa pagkadismaya si CPP founding Chair Joma Sison, kung nasa bansa ito para saksihan ang walang-saysay na pagdiriwang ng kanilang aniberseryo. | ulat ni Leo Sarne