5,000 protesters lang ang inaasahan sa MM ngayong Araw ng Paggawa — PNP Chief

5000 protesters lang ang inaasahan ng Philippine National Police sa Metro Manila ngayong araw ng paggawa.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa kanyang regular Monday press conference sa Camp Crame sa bisperas ng pagdiriwang ng Labor Day.

Ayon sa PNP chief, malabong lumagpas sa higit pa sa 15,000 ang mga miyembro ng militanteng grupong makikilahok sa mga tradisyonal na kilos protesta sa araw na ito.

Base aniya ito sa experiensya sa nakalipas na taong pagdiriwang ng labor labor day kung saan wala pa sa 5,000 ang mga protesters sa NCR at mga pockets lang ang namonitor sa mga lalawigan.

Gayunpaman, sinabi ng PNP chief na aktibo ang kanilang intelligence monitoring at naka-heightened alert ang PNP, kasabay ng pagdedeploy ng 10,000 pulis sa Kamaynilaan para panitilihing matiwasay ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa araw na ito.

Ibinabandera ng Nagkaisa Labor Coalition at Kilusang Mayo Uno na magmomobilisa sila ng 60,000 libong protesters sa Mendiola at 150,000 sa buong bansa para iparating ang kanilang mga hinaing laban sa pamahalaan. | via Leo Sarne