50% ng populasyon sa Metro Manila at sa anim pang high-risk areas, kailangang mabakunahan upang makamit ang “herd-containment” ayon sa Octa Research team

Dapat gawing target ng pamahalaan na mabakunahan ang 50% ng populasyon sa Metro Manila at anim pang lugar na maituturing na “high-risk” sa COVID-19.

Ayon sa Octa Research team, ito’y para makamit ang “herd containment” sa National Capital Region gayundin sa mga lunsod sa Tuguegarao, Santiago city, Cebu City at maging sa Imus, Cavite.

Para maisakatuparan ito ay kinakailangang ang mahigit sa 15 milyong doses ng bakuna, para maiturok sa halos 8 milyong katao.

Sa ngayon ay mahigit sa 3 milyong mga Pilipino na ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.