50 million total vaccine deliveries, maaabot bago mag-‘ber’ months — NTF against COVID-19

Maaabot na ng bansa ang 50 milyong delivery ng mga bakuna kontra COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa gitna ng mga nakatakda pang dumating na vaccine ngayong buwan.

Kaugnay nito, dalawang milyong doses ng Sinovac ang nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa at dalawang milyon ulit ng Sinovac bukas.

Sa pag-uulat ni Galvez kamakailan lang kay Pangulong Duterte ay sinabi nitong nasa 42,575,350 ang total deliveries as of August 16.

Nasa 15,241,864 ang nakatanggap ng first dose habang 12,565,017 ang nakakumpleto na ng turok.