5 yrs. old pataas bawal na uling lumabas, matapos isailalim ang NCR at 4 pang lalawigan sa GCQ with heightened restrictions

Binawi ng Inter Agency Task Force (IATF) ang nauna nitong polisiya, na pwede ng lumabas ang mga batang limang taon pataas.

Sa pamamagitan ng IATF Resolution No. 125, bawal lumabas ang limang taong gulang pataas sa mga lugar na isinailalim sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions, mula ngayong araw na ito, July 23 hanggang July 30.

Bukod sa National Capital Region (NCR), kabilang din sa mga probinsiya na isinailalim sa kahalintulad na quarantine protocol ang Davao de Oro at Davao del Norte, mula sa dating modified enhanced community quarantine.

Isinailalim na rin sa GCQ with heightened restrictions ang Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Una ng inirekomenda ng mga eksperto, na alisin ang polisiya sa pagpapalabas sa mga batang limang taon pataas, kasabay ng suhestiyon na maghigpit din ng quarantine protocol sa gitna ng ilang kaso na ng Delta variant na naitatala.