5-year transition plan, ipatutupad ng PNP sa PNPA, NPTI 

Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang 5-year transition plan sa Philippine National Police Academy (PNPA) at National Police Training institute (NPTI).

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, ang plano ay nagtataka ng panibagong table of organization, staffing-pattern, at equipment requirement sa PNPA at NPTI.

Ito’y matapos na pormal na i-turn over kahapon sa PNP, mula sa Philippine Public Safety College ang PNPA sa Silang, Cavite, kung saan sinasanay ang mga magiging opisyal ng PNP.

Ang NPTI sa Calamba, Laguna kung saan naman sinasanay ang mga police recruits, ay nakatakdang i-turn over na rin sa PNP sa darating na October 7, alinsunod sa Republic Act No. 11279 na ipinatupad nitong April 12, 2019.

Sa turn over ceremony ng PNPA, sinabi ni PNP Chief General Oscar Albayalde na ang pagbibigay sa PNP ng “full control and supervision” sa PNPA ay makakatulong sa pagsasanay ng mga mas-episyente at mas-disiplinadong mga pulis.

Sinabi ni Albayalde na ngayong pulis na ang nagsasanay sa kapwa pulis ay mai-improve nila ang “training curriculum” para makapag-produce ng mga pulis na mas-competent, may matatag na “moral fiber” at may mataas na paggalang sa “human rights”.