5 Brgy. sa Pasig, wala ng naitatalang aktibong kaso ng COVID-19

Mayroon ng limang barangay sa Pasig City ang dalawang araw nang walang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19.

Base sa pinakahuling datos na inilabas ng City Health Office, mula sa kabuuang 30 barangay sa lungsod ay zero active case na sa COVID-19 ang Brgy. Bagong Katipunan, Kapasigan, Kapitolyo, San Jose at Sta. Rosa.

Nangunguna naman sa may pinakamataas na kaso ang Brgy. Pinagbuhatan.

Sa kabuuan, ay nasa 196 na lamang din ang COVID active cases na binabantayan sa Pasig City, habang nasa higit 32,000 na rin ang mga residente nitong naka-recover na sa sakit.

Pagdating naman sa vaccination report, ay umakyat na rin sa higit 186,000 ang mga Pasigueno na nakatanggap ng unang dose sa lungsod kung saan nasa 82,000 ang fully vaccinated na.