5 barangay sa Mandaluyong, wala nang naitalang COVID active cases

May limang barangay sa Mandaluyong City ang wala nang naitatalang COVID active cases.

Base sa tala ng Mandaluyong City Health Department, as of October 29, wala nang panibagong kaso ng COVID-19 sa Brgy. Mabini Rizal, New Zaniga, Pagasa, Hulo, Vergara, at Old Zaniga.

Maliban dito, wala na ring tinamaan ng COVID-19 sa Correctional Institute for Women, Divine Mercy Pyschiatric facility, Bureau of Fire Protection (BFP), local Police offices, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na matatagpuan sa lungsod

Mula naman sa 58, ay bumaba na rin sa 42 ang bilang ng COVID active cases sa National Center for Mental Health.

Sa kasalukuyan, ay nasa 179 na lang ang COVID-19 active cases na binabantayan sa Mandaluyong habang nasa 5,089 na ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nakarekober.

Nananatili ring mas mataas ang naitatala nitong COVID recoveries kumpara sa mga new COVID cases.